Friday, June 23, 2017

'HINAHABOL SA PANAGINIP

#DWR

'HINAHABOL SA PANAGINIP
Image may contain: one or more people, people dancing and shoes
©Minsan naranasan nyo na ba to!? Yun parang may humahabol sa panaginip mo?
Ako minsan nararanasan ko yan ,siguro sa dami kong utang ...hahaha joke!!

Kapag ganon ang panaginip mo minsan magiging takot pa ito sayo,at di mo alam kung bakit..?

Ang pananaginip na hinahabol ay madalas nating nararanasan. Ito ay isang senyales na ikaw ay nag-aalala tungkol sa isang bagay sa totoong buhay. Ang panaginip na ikaw ay hinahabol ay ang paraan ng iyong subconscious na pag-iisip upang ipaalam sa iyo na kailangan mo nang harapin ang mga isyung bumabagabag sa iyo. May mga responsibilidad ka talagang hindi pwedeng ©iwasan at may mga taong nakaasa sa’yo.

Ang isang lalaking nananaginip na hinahabol ng babae ay nangangahulugan na pakiramdam niya ay nakagapos siya sa isang tao. kung gaano kalapit ang naghahabol ay sumasalamin sa kung gaano pa kadaming oras ang mayroon ka bago mo kailangang harapin ang pinoproblema mo. Kung ang humahabol sa iyo ay nasa likod mo na, ibig sabihin ay malapit nang mangyari ang problemang ito. Kung ikaw ay nahuli at inatake, mas nagiging makatotohanan na ang mga kinatatakutan mo.
Ang paulit-ulit na pananaginip na hinahabol ay isang palatandaan na kailangan mong maglaan ng oras para magmuni-muni kung bakit laging nangyayari ang mga panaginip na ito. Ito ay pauli-ulit na mangyayari hangga’t hindi mo hinaharap ang mga problema mo. Ito’y pwedeng problema sa trabaho o sa personal na buhay.
©Kapag sa iyong panaginip ay hinahabol ka ng mga criminal, ito ay isang babala na kailangan mong protektahan ang iyong sarili sa mga taong maaaring gamitin ka lang. Kung sila ay nagmumura habang hinahabol ka, ito ay sumasalamin sa iyong sariling galit sa katotohanan. Ito ay simbolo na kailangan mo ring tumahimik. Habaan ang iyong pasensya o magiging masama ang mga konsekwensya.
Kapag hinahabol ka naman ng isang halimaw, ito ay nangangahulugan na may bagay na matatapos na sa darating na mga araw. Kung ikaw ay lilingon at walang humahabol sa’yo, ibig sabihin nito ay may kakayahan kang lampasan ang ano mang dumating sa buhay mo. Ang isang malaking hayop na humahabol sa likod mo ay nangangahulugan na may mga bagong oportunidad na dapat dumating ang maaantala.
Ang pagtawa sa humahabol sayo ay sumasalamin sa kakayanan mong tumawa sa harap ng mahihirap na sitwasyon.
Kapag hindi ka naman makatakbo, ibig sabihin nito ay kailangan mong akuin ang responsibilidad. Kung ano mang bumabahala sa’yo ay maaabutan ka. Kung hindi ka titino at akuin ang responsibilidad, maaari kang mahirapan. Kung ikaw naman ay hinahabol ng mga katrabaho mo, baka nararamdaman nila na hindi ka nagtatrabaho ng mabuti. Kailangan mong mas galingan sa trabaho. Kapag hinahabol ka naman ng tao, ibig sabihin ay magkakaproblema ka sa pera.
Ang isa namang slow-motion na eksena sa isang panaginip habang hinahabol ay isang palatandaan na kailangan mong magmumi-muni tungkol sa mga tao at relasyon sa buhay mo. Ito ay nangangahulugan na kailangan mong ayusin ang mga relasyon mo sa totoong buhay. Kung hindi mo naman nakikita kung sino o ano ang humahabol sa’yo, ibig sabihin ay kailangan mong alamin sa sarili mo kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa isang bagay o tao. Maaaring tumutukoy ito sa karera mo. Kapag naman hinahabol ka ng anino ay ibig sanihin na may pinagkakait ka sa sarili mo. Dapat siguro ay huwag mo nang pigilan ang iyong sarili. Kapag naman hinahabol ka sa kalye, ito ay isang klarong tanda ng problema sap era. Ang pagtago naman o pagkawala ng humahabol sa’yo ay nagpapahiwatig sa’yo kung paano mo malalampasan ang iyong sitwasyon sa totoong buhay. Kapag naman ikaw ay nahuli ng humahabol sa’yo, ibig sabihin nito ay pakiramdam mong hindi ka sapat o baka pakiramdam mo ay ginagapos ka ng isang tao o bagay.

1 comment:

  1. Upload more content please as fast as possible! Its 2024 now

    ReplyDelete