Monday, June 19, 2017

BANSHEES

#DWR_ARTICLE

BANSHEES
Isa sa mitolohiya ng mga taga Ireland.
Ang banshees ay isang kaluluwang umiiyak ng kahindik hindik upang ipahiwatig sa isang pamilya na mayroon silang miyembro na mamamatay. Ang banshee ay hindi rason ng kamatayan ng isang miyembro ng pamilya kundi tagapahiwatig lamang.
May iba't ibang anyo ang banshees. Sa Ireland, ang anyo nito ay pinaniniwalaang matandang babae na may pilak na buhok (kung minsan ay pula), na may mahabang kuko at matutulis na ngipin. Iba naman sa mga taga Amerika. At sa Scottish Gaelic Myth naman ay pinaniniwalaang makikita mo ang banshee na hinuhugasan ang damit na puno ng dugo na pagmamay-ari ng taong mamamatay.
May dalawang uri ng banshee.
Ang mabuting banshee ay ang kaluluwang di mo makikita ngunit maririnig mo ang awit nilang tila nagpapatahan sayo...
Samantalang ang masama ay, silang natutuwa magbalita sa pamilya nang kinaiinisan niya na may mamamatay sa kanila. Sila ang sisigaw ng sobrang lakas na makakasakit ng tenga mo.
Ayon sa mga eksperto, 8th century nang magsimula ang paniniwalang ito sa Ireland. Pinaniniwalaang ang banshee na to ay isang batang babae na nakatanggap ng isang brutal na kamatayan at nagbabantay sa mga pamilya para sa pagpapahiwatig na may mawawala. Hanggang ngayon ay wala paring eksplenasyon kung san nakuha ng banshee ang kaalaman nito na may mawawala. Pero hanggang ngayon ay may naniniwala parin sa banshee sa bansang pinagmulan nito.

No comments:

Post a Comment