#DWR_ARTICLE
Schizophrenia

Ano nga ba ang tawag sa mga taong wala sa realidad? Wala sa pag-iisip at kinakausap ang sarili. Yung tipong akala nyo eh sinapian ng demonyo, ngunit hndi naman pala. Ano nga ba ang sakit sa mga taong kaniwang tinatawag natin na "Baliw"?
Ang “schizophrenia” (skisoprenya) ay isang malubhang karamdaman sa utak kung saan ang tao ay hindi wasto ang nakikita o nararamdaman sa realidad. Ito ay maaaring magdulot ng kombinasyon ng halusinasyon, delusyon, at ibang estado ng pag-iisip at pag-uugali.
Ang pamagat ay hndi pagkakaroon ng dalaqa o mahigit pang personalidad. Ang salita ay literal na nangangahulugang “nahating pag-iisip”, subalit mas inilalarawan ito ng pagkagambala sa balanse ng emosyon at pag-iisip.
Kung minsan ang sobrang pagkagamit rin ng ating “immune system” halimbawa ay ang sobrang pagharap natin sa stress mula sa pagkakabuo pa lang natin sa sinapupunan ng ating ina at matapos tayong ipanganak ay maaaring makaapekto sa struktura ng utak at mga tungkulin nito.
Ang schizophrenia ay nagdadala ng pagbabago sa iyong nararamdaman, pag-iisip at pagsasagawa ng bagay-bagay. Ang mga sintomas nito ay: halusinasyon – ang makakita, makarinig, makaamoy o makaramdam ng mga bagay na hindi naman nararanasan ng kahit sino. Pangkaraniwan silang nakakarinig ng mga boses sa loob ng kanilang isipan na siyang nag-uutos sa kanila kung ano ang dapat gawin, nagbibigay ng babala o kaya nama’y nagsasalita ng hindi maganda sa kanila. Sunod na sintomas ay ang delusyon. Ito ay mga paniwala na hindi naman totoo tulad ng maaari siyang kinokontrol ng TV o hinahabol siya ng pulis. Maaari ring pinaniniwalaan niyang siya ay isang artista o presidente ng bansa o kaya nama’y meron siyang kapangyarihan. Ang iba pang mga sintomas ay magulong pag-iisip at pananalita, masyadong maggalaw, nadedepress, walang pakiramdam, nakalimutan na ang paglilinis sa sarili, hindi natatapos ang mga gawain.
Ano ang lunas sa schizophrenia?
-Sa kasalukuyan, wala pang ganap na gamot para sa schizophrenia subalit may ilang nga nakakatulong na gamot at isa sa pinagkakatiwalaang gamot para dito at tinatawag na “antipsychotics” na tumutulong sa pagpapababa sa lubha ng mga sintomas ng pagkawala sa sarili. Ilan sa mga gamot ay tinatawag na “olanzapine”, “risperidone”, “quetiapine” , at iba pa. Ilan sa mga hindi maganda nitong epekto (side effects) ay ang pagiging antukin, pagkahilo at pagkakaroon ng ganang kumain. Mayroon ring gamot na pampaganda sa “mood” upang maiwasan ang “mood swings” o biglaang pag-init ng ulo o sobrang pagkamasayahin. Mayroon ring gamot para sa depresyon tulad ng “fluoxetine”, “sertraline” “escitalopram” at marami pang iba. Bukod sa gamot, may mga alternatibong magagawa para maibsan ang epekto ng schizophrenia tulad ng “therapy”, pagsali sa mga “group sessions”, edukasyon para sa mga kapamilya ng may sakit at rehabilitasyon. Ang pagsali sa mga therapy at grupo ay tumutulong sa pagsuporta at pagbibigay impormasyon sa may schizophrenia ng mga pananaw mula sa mga nakaranas ng sakit mismo. Ang rehabilitasyon naman ay tumutulong sa may karamdaman na maisagawang muli ang mga karaniwang gawain tulad ng pagtatrabaho, kakayanang magluto, maglilinis, mamalengke, makipagkaibigan at humarap sa mga problema. Ito ay mga karagdagan paraan lamang sa paglunas ng mga sintomas. Importante pa ring uminom ng gamot bukod sa mga alternatibong pamamaraan.
Isa sa mga factor ng pagkakaroon ng ganitong sakit ay Droga, at ang sakit na ito ay maari ring namana sa mga kamag-anak.
Maging ganon man sila ay karapatan parin natin silang irespeto.
End.

No comments:
Post a Comment